Home
Binagyo…
October 15, 2009d naman na cguro mauulit yun
mga after 40 years na ulit
oo nga
after 40yrs na ulit sana….
sana wag na nga eh…
baka alabok na lang ako nun hehehe
haha
iksi naman ng life mo[bakit 40 ka na ba ngayon?
30 lang
baka ano…pinupunasan pa lang wetpaks mo
naka diaper ka na haha
yoko umabot ng gnun
oo nga
wala ng silbi pabigat pa
may boss ako nung before ako pumasok sa pag ibig sabi nya pwede daw ba pagka 50 automatic switch off life nya haha
hehehe
eh nun 40 na sya baka nagpakamatay na sya ngayon para mawala na sya haha
sobrang aga naman nung 50
parang dapat inenjoy mo pa yung mga apo mo nun
aba may ganun pa sya
cyempre
eh ayaw nya daw nga…babae kasi tapos maarte hehe
pag nakita ko nang stable na mga anak ko
wow!
oh mag ipon ka kung ganun haha
mi mga sarili na anak saka naka position na ng maayos pede na ko umalis
bahala na cla sa mga buhay nila hehehe
haha
what`s life in Philippines after 20yrs kaya
kaloka
same old hehehe yoko na isipin yun
bahala na yung mga politiko dito sa kung ano gusto nila
sila naman masusunod
haha
basta ko nakikiraan lang
enjoy life
walang masasagasaan
make sure na yung maiiwanan mo eh mabibigay mo lahat ng kakailanganin
tapos pag wala ka na eh yung tipong konti lang ang sisimangot pag naaalala ka
solve na ko du…
Sino ka?
September 8, 2009Sino at ano nga ba tayo?
Ang doktor nabubuhay at nananatiling doktor dahil may mga taong nagkakasakit? anong silbi sayo ng doktor kung malusog ka at anong papel mo sa doktor kung wala cyang gagamutin sayo? Kung kukundenahin ng doktor at titingnan lang sa ibaba ang mga taong may sakit. Anong silbi nya? kung lahat ng tao naging doktor at wala ni sino mang nagkakasakit? Sino na cya?
Tulad din ng kung ipagmamalaki mo na matino ka at buong kahangalan mong ibabandera ang busilak mong pagkatao pero habang nasa taas ka. Tatanawin mo lang ang mga taong nasa ilalim, puno ng problema na nakagagawa ng hindi tama para sa kung ano mang dahilan na meron sila. Kung titingnan mo lang at pagmamalakihan ang mga nasa paligid mo. Sino ka na? At anong silbi mo sa mundo?
Una
August 26, 2009Medyo… bakit?
Dapat hindi… kasi maraming pupuna sa mga gawa mo… karamihan kritiko. Kadalasan hahanapin kung ano ang mali at pangit sa trabaho mo. Mangilan ngilan lang ang magsasabi ng kung ano ang maganda at pupurihin ka sa kung ano ang natapos mo.
Ah ganun ba… Para sa mga kritiko… ‘di ba dapat lang silang pakinggan? Baka nga kasi may mali… o may kulang ako. Pero Ok lang… hahanapin ko na lang yung mangilan ngilan na yun. Sila na lang ang gagawin kong inspirasyon para magpagpatuloy.



